Kung saan ang tao'y naghihinala't tuwina'y may agam-agam
Lumipad ang kalapati upang lakbayin ang sandaigdigan
Sa kanyang puting pakpak na hanap sa kapayapaan
Habang sagisag ng pagkakasundo'y patuloy na bumabandila.
Puting kalapati,libutin itong sandaigdigan
Ang hanging panggabi'y iyong panariwain
Ang mga bulaklak iyong pamukadkarin.
Itong aming mga labi'y iyong pangitiin.
Pagkat sa iyo na ang pag-asa ay di nawala
Sa iyong hininga, hanging sariwa nagmula
Itong sandaigdigan,paniwalain mo sa kapayapaan
Habang puso'y pumipintig sa gabi ng katahimikan
Ngunit ikaw na palamara
Tulad ng alabok,humayo ka't mawala
Pagkat mundo mo't bantayog ay gumuho na
Ngayon ay may bagong hinagap na kayganda
Bilang repleksiyon nitong buhay na mapayapa