Sa isang malayong lugar malapit sa kabundukan ng Kumgang sa Korea ay may namumuhay na sa isang batang lalaki. Ulila na siya sa ama simula noong sanggol pa. Naitatak na niya sa isipan niya na hindi na babalik ang kanyang ama nang mangaso ito upang hanapin at paslangin ang Puting Tigre.
Ang naninirahang tigre sa kabundukan ng Kumgang ay malaki at mabagsik. Kasa-kasama niya ang alalay niyang uwak na nagtuturo sa kanya ng susunod na bibiktimahin. Bumababa sila sa kabundukan at wala siyang pinipiling biktima, kabayo, baka, kung ano-ano pang hayop at mga tao.
Lumaki ang batang lalaking may dinadalang matinding galit sa tigre kaya ipinangako niya na siya ang kikitil ng buhay sa tigre upang makapaghiganti. Nang tumuntong siya sa edad na labinlima kinausap niya ang kanyang ina at nagpaalam na pupunta siya sa kabundukan upang hanapin ang tigre. Ngunit nanumbalik ang takot ng ina noong nagpaalam ang ama. Kaya’t sinabi niya sa anak na pagisipan muna ito mabuti.
Nangako naman ang anak na kaya na niya hanapin ang tigre. Pumayag naman ang ina sa isang kondisyon, kung kaya niya gawin ang mga ginagawa ng kanyang ama noon. Tumango naman ang anak at tinanggap ang hamon. Noon daw ay pinatayo siya na may sunong sa bangang puno ng tubig sa ibabaw ng kanyang ulo. Babarilin niya ito sa hawakan sa layong isang milya at hindi matatapon ang laman nitong tubig. Kumuha ng baril ang anak at sinubukang gawin ang hamon ngunit nabigo siya. Kaya ipinagliban niya ang pagpunta sa kabundukan at nagsanay pa ng tatlong taon.
Dating tinatawag na Choson na ang ibig sabihin ay "Lupain ng Mapayapang Umaga"
Nahahati sa dalawa, ang Hilagang Korea at Timog Korea
Pagkatapos ang tatlong taon ng pagsasanay ay sinubukan niyang muli. Nagulat ang kanyang ina at sa kalituhan, sinabi niya na ang kanyang ama ay kayang patamaan ang butas ng karayom na may layong isang milya. Sinubukan niya muli ngunit hindi niya nagawa. Sinikap niya muli magsanay ng 3 taon at habang siya ay naghahanda ay muling nanalasa ang puting tigre. Matapos ang 3 taon, nang 21 taon na ang binata ay sinubukan niyang muli at sa pagkakataong ito ay nagtagumpay siya.
Kinabahan ang ina sa nakita. Lingid sa kaalaman ng anak, ang lahat ng sinabi ng kanyang ina ay pawang kasinungalingan lamang at iyon ay kanyang ginawa upang mapigilan na ang pag-aasam nito na hanapin ang tigre. Ngunit nakita niya ang pagpupursigi kaya pumayag na rin ito kahit labag sa kanyang kalooban
Noon rin ay iniwan ng anak ang bayan at pumunta sa kabundukan. Noon ay nakilala niya ang isang matandang babae na nagpapatuloy ng mga mangangaso sa kanyang bahay. Tinanong ng matanda kung ano nga ba ang pakay ng binata. Kinuwento ng binata ang kanyang pakay at doon ay binalaan siya na ang puting tigre na nakakaramdam ng panganib.
Kinuwento ng matanda na natatandaan niya ang kanyang ama na dumaan doon bago tumuloy sa kabundukan. Sinabi niya na kayang kaya ng kanyang ama na patamaan ang pinakamataas na dahon sa puno kahit nakatalikod. Kung hindi niya ito kayang gawin ay hindi niya makakayanan ang puting tigre. Sinubukan ito ng binata at siya ay nabigo. Kaya ipinagpaliban niya ang pangangaso at nagsanay muli upang magawa ang hamon. Bumalik siya at nagtagumpay siya sa hamong ibinigay
Namangha ang matandang babae at sinabing hindi dahil yun ay kaya na niyang talunin ang puting tigre. Kinuwento niya na kaya ng kanyang ama na barilin ang isang langgam sa bingit ng isang bangin. Napatigil ang binata at napagisipang magsanay muli ng 3 taon. Habang siya ay nagsasanay, nagpatuloy ang pananalasa ng puting tigre. Sinubukang muli ng binata at siya ay nagtagumpay. Lingid sa kaalaman ng binata ay gawa gawa lamang ang mga tinuro ng babae upang mapigilan itong umakyat sa kabundukan.dahil sa kakaibang gilas ng binata ay hindi na ito napigilan ng matandang babae.
Matiyagang naglakbay ang binata sa kabundukan. Ilang araw na ang binilang ay hindi niya mawari kung saan matatagpuan ang puting tigre. Isang araw habang kumakain ang binata ay may dumating na isang matandang pulubi at humingi ng pagkain. Tinanong ng pulubi kung ano ang pakay ng binata. Isinalaysay ng bata ang kanyang pakay sa kabundukan. Pinayuhan siya ng pulubi na kung gusto niyang paslangin ay tiyak na wala kang kalaban laban
Tumanggi ang binata at sinabing kailangan niya iyon gawin para sa ama niya. Kaya't pinayuhan siya ng matanda na maging maliksi at mapagmasid. Sinabi niya na kailangan niya itong barilin habang ang nakikita pa lamang ay isang maliit na puting tuldok at kailangan ay hindi ito magmintis sapagkat masasayang lamang ang mga taong nilaan upang mapaghandaan ito.
Nagpatuloy ang binata sa paglalayag. Nakaramdam naman ang puting tigre na mayroon siyang kalaban. Isang araw habang nagaabang ang tigre ay nakaaninag ang binata ng puting tuldok. Ipinutok agad ng binata ang kanyang baril. Agad namang pumunta ang binata sa kinalalagyan ng binaril niya.
Namangha ang binata nang makita niya ang tigre na nakahandusay. Nakita niya ang malaking bibig ng tigre at kaniya itong tinahak. Ilan pang sandali ay nakita niya sa isang sulok ang isang dalagang walang malay.Pinainom ng binata ang dalaga ng tubig na kanyang baon. Nagulat ang dalaga at pinasalamatan niya ang binata at ikinuwento niya kung paano siya napunta roon.
Sa gitna ng kanilang kwentuhan ay may narinig silang anas ng isang tao. Sinundan nila ang pinagmulan ng tinig at nagulat sila nang may matagpuan silang matandang lalaki sa isang sulok. Lalong nagulat ang lalaki nang malaman niyang iyon pala ang nawawala niyang ama. Ubod ng galak ang binata at pinasalamatan niya ang Panginoon.
Sa pagitan ng paghikbi niya ay nasabi niya na tunay ngang kapag may ninais ka at pinagsikapan mo ito, makakamtan mo ito at higit pa sa inaasahan mo.
Nang lilisanin na nila ang kabundukan ng Kumgang ay nagdiwang ang mga hayop sa kabundukan, sumisigaw at sinasabi, "Mabuhay ang binata! Mabuhay ang pinakamahusay na mangangaso!"
Hindi naglaon ay napaibig na ng binata ang dalaga. Ikinasal silang dalawa at naging saksi kanilang mga magulang. Nagkapamilya at itinuro nila sa kanilang supling ang karanasan nila sa Puting Tigre.
source :https://prezi.com/ey394lp2-5q_/ang-puting-tigre/