Ginampanan ni Xian Lim ang papel ni Rocco, isang mayamang binata na magdiriwang ng ikadalawampu’t limang kaarawan nya. Noong araw na iyon, dapat sana’y makatatanggap siya ng pera mula sa kanyang trust fund pero naudlot nang maipatalo niya ang sariling pera sa sugal. Dahil dito, may posibilidad na hindi na niya makuha ang kliyenteng kailangan niya para matalo ang kumpanya ng kanyang ama.
Nagbigay ng kondisyon ang kanyang lola bago siya bigyan ng pera mula sa trust fund. Ito ay ang magpakasal siya.
Sa kabilang banda, mayroong isang dalagang nagngangalang Rocky, na ginampanan naman ni Kim Chiu,na nangangailangan din ng pera para matustusan ang renta sa tinitirhan nya at ng pamilya.
Nagpa-audition si Rocco para mahanap ang tamang babaeng magpapanggap na asawa nya. Nakilala at nagustuhan niya si Rocky. Pumayag si Rocky sa alok ni Rocco kapalit ng malaking halaga. Habang ginagampanan na nila ang kanilang papel bilang pekeng mag-asawa, unti-unti na silang nahulog sa isa’t isa.
TRAILER LINK:
https://youtu.be/IvMIwxZaGBg