Si Don Juan at ang kanyang asawang si Namongan ay nakatira sa Nalbuan, ngayon bahagi na ng La Union sa hilagang parte ng Pilipinas. Sila ay nagkaroon ng isang anak na lalaki na nagngangalang Lam-ang. Bago pa ipinanganak si Lam-ang, pumunta si Don Juan sa bundok upang parusahan ang isang grupo ng mga kaaway na Igorot. Habang siya ay malayo, ipinanganak si Lam-ang. Apat na tao ang nagtulung-tulong para mailabas si Lam-ang sa sinapupunan ng kanyang ina. Sa kanyang paglabas, nagsalita siya agad at siya ay binigyan ng pangalang Lam-ang. Pumili rin siya ng kanyang mga ninog at ninang at tinanong kung nasaan ang kanyang ama.
Sa gulang na siyam na buwan, nainip na si Lam-ang sa di pagdating ng ama. Kinasusap niya ang kanyang ina upang ituro ang kinaroroonan ng kanyang ama. Sa kanyang paglalakbay patungo sa kabundukan, nagdal si Lam-ang ng iba't ibang sandata at mga anting-anting na makapagbibigay sa kanya ng ibayong lakas. Magagawa rin niya na di makita ng mga kalaban. Dahil sa pagod na inabot sa paglalakbay, nagpahinga at nakatulog si Lam-ang. Napanaginipanpa rin niya ang sinapit ng ama sa kamay ng mga Igorot. Kaya naman dali-dali siyang pumunta sa kuta ng mga kalaban. Pinagpupuksa niya agad ang mga ito. Tagumpay si Lam-ang sa kanyang pakikipaglaban.
Pagbalik ni Lam-ang sa Nalbuan ay pinaliguan siya ng ilang kaibigan babae sa ilog ng Amburayon. Isang kaugalian na noon na pagdating ng isang mandirigma ay maliligo ito sa ilog. Nangamatay ang mga isda at iba pang ,ay buhay sa ilog Amburayon. Dahil daw ito sa kapal ng libag at sama ng amoy na nahugasan sa katawan ni Lam-ang.
Sa kabilang dako, balita naman sa lahat ng lugar ang kagandahan ni Ines Kannoyan. Niligawan ni Lam-ang ang magandang dalaga kasama ang kanyang mga alaga. Gumawa siya ng isang pangyayari na nakuha ang atensyon ni Ines. Napagibig niya si Ines.
Kaugalin din nga mga Ilokano na pagkatapos ng kasal ay kailangang sumisid ang lalaki sa ilog upang manghuli ng isadang rarang. Ginawa niya ito ngunit napatay siya ng isadang berkakan, uri ng pating. Pinakuha ni Ines ang buto ni Lam-ang at binalot ito sa tela. Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso. Sa bisa ng engkanto, unti-unting kumilos ang mga buto ni Lam-ang at muli siyang nabuhay.
Nagsama ng maligaya, sagana at tahimik ang mag-asawa, kasama ang kanilang tapat na alagang puting tandang at abuhing aso.