Mula nang isilang , ikaw na ang gabay,
Sa laot ng mundo ay nagsilbing lunday,
Hanggang magka-isip,lumaki’t tumibay,
Ikaw ang nagturong pakpak ko’y ikampay.
Sa aking paglipad sa buhay na ito,
Nag-aapuhap ma’t wari’y nalilito,
Sumirok, umigpaw, saan man tumungo,
Kalasag ko’y pag-ibig na buhat sa iyo.
‘Di matatawaran, dinanas mong hirap,
Ngunit ikaw Inay ay hindi natinag,
Mayro’ng mga gabing luha’y pumapatak,
At muling ngingiti pagdatal ng liwanag.
Napakapalad ko , nagisnan kita Ina,
Init ng mga yakap sa akin ay pinadama,
Kapag ako’y napalugmok, sa pagluha’y kasama ka,
Laging handang umunawa, twina’y kaagapay kita.
Kung sakaling ang daigdig ay aking lisanin,
At muling isilang, sa mundo ay pabalikin,
Sa Poong Maykapal aking hihilingin,
Ikaw pa rin Inay ang magluwal sa akin.
Ako ay iyong pinalaki na mayro’ng takot sa Diyos,
Mga paa’y naigiya sa landasin na maayos,
Pagdarahop ay di hadlang, sa salapi man ay kapos,
Pang-unawa nama’y sagana, pag-big mo’y di mataros.
Hindi kayang tumbasan ng anumang bagay o halaga,
Ang mga pagsusumakit, wagas na kalinga,
Mula dito sa puso ko ang taos na pagkilala,
Sa lahat ng iyong kabutihan, Dakila ka aking Ina.
Maraming salamat po, tanging hagkis nitong tinig,
Na kalakip ang dalanging ang iyong buhay ay lumawig,
Sa isipan at damdamin hinding hindi mawawaglit,
Salamat O aking INAY, salamat po sa pag-ibig…..