Ang mga gubat na hitik sa bunga,
ipantawid-gutom sa kalam ng bituka,
at pati hayop sa dulong kabila,
nabubusog din at nagpapakasawa.
Ang mga lupa sa luntiang bukid,
ay pakikinabangan kapag pinilit,
magtanim lamang ng palay o mais,
at tiyak na kakain sa oras ng gipit.
Mahalin ang bayan saan man pumunta,
ipagtanggol nga sa dayuhang bansa,
ibiging mabuti at maging malaya,
upang manatili ang Inang dakila.
Ang tula ay alay sa mahal na bansa,
pagkat ako’y kanyang inaaruga,
itong Pilipinas na bayan ko’t ina,
mamahalin ko saan man pumunta.
-France Ledesma
ipantawid-gutom sa kalam ng bituka,
at pati hayop sa dulong kabila,
nabubusog din at nagpapakasawa.
Ang mga lupa sa luntiang bukid,
ay pakikinabangan kapag pinilit,
magtanim lamang ng palay o mais,
at tiyak na kakain sa oras ng gipit.
Mahalin ang bayan saan man pumunta,
ipagtanggol nga sa dayuhang bansa,
ibiging mabuti at maging malaya,
upang manatili ang Inang dakila.
Ang tula ay alay sa mahal na bansa,
pagkat ako’y kanyang inaaruga,
itong Pilipinas na bayan ko’t ina,
mamahalin ko saan man pumunta.
-France Ledesma